Sunday morning, kagigising ko lang po. Adik na talaga ako sa internet. Pero siyempre naman inayos ko muna bed ko, parang hindi naman ako Nursing student kung burara ako noh. Sabi pa nga nila, Nursing is an art daw... Hehehe. Tama, kasi may arte talaga ang Nursing. Hindi ka lang basta basta sa lahat ng bagay. Dapat bawat hakbang ay pinag-iisipan. Hahaha. Gumagana na naman brain cells ko. Salamat sa Psych titser ko. Diba? Malay mo, pagggising mo pala isang umaga, umalis ka kaagad ng bahay niyo kahit hindi man lang nanghilamos(nagawa ko na yan ng maraming beses na), only to find out, eh pinagtatawanan ka na sa labas kasi puno ka pa ng muta. Harharhar. Nonsense.Going back sa usapan natin kanina, pagkagising ko, siguro after mga 30 minutes pa lang, e dumiritso agad ako sa internet cafe na sa loob lang ng bordinghauz namin. Buti pa nga dito kasi di ka na lalabas pa para lang mag computer. Minsan pa nga inaabot ako ng midnyt dito sa computeran eh. So, yon na nga, pagpasok ko pa lang sa cafe, eh walang katao-tao, meaning walang costumer, kainis, pero partly pasalamat na ako kasi walang istorbo, pwede kong gawin lahat ng gusto kong gawin. Joke. Alam kong iniisip mo. Hehehe. Hindi yan pwede dito, meaning, bawal. Pero di ko naman din ginagawa yang mga bagay na yan. Blog-blog lang ako. Ewan ko ba, adik na talaga ako sa blog world na to. Nakaka-inspire kasi. Marami na akong nababasa sa internet na sumisikat sila sa cyberworld because of excellent, well-written and well-designed blogs. Meron pa nga dyan iba na yumayaman ng dahil sa mga blog nila. Hahaha. Ambisyosa, gustong yumaman ang lola niu. Anyways, wala namang masama dyan eh. Basta alam mo lang wala kang maaapakang tao. Yan lang naman ang importante sa life eh. Diba? Yong principle of the "Golden Rule"....basta, yon na yon!
"inayos nya sarili nya at ako din tinaas ko pantalon ko. nag drive sya at dumerecho kami sa motel.Shit! nakakahiya first time ko sa motel, lalake pa kasama ko.. sobrang kinakabahan ako... pero nandito na ako bahala na si batman..sa susunod ang nangyari sa loob ng motel..." Shock kayo noh kung bakit eto ang sumunod na linya sa post na to. Hahaha. Kakabasa ko lang nito sa blog ng isa nating kapamilya at kapusong si Jay Vee. Medyo maselan nga lang ang kwento. Kaya kung pa-virgin at dalagang Pilipina kayo, wag niu ng i-click ang link niya. Alam ko na kasi ang susunod pang mangyayari. Well said.
Ewan ko kung nakailang oras nako dito sa harap ng computer. Basta maya-maya lang out nako kasi manonood pa ako ng ASAP. Sunod na lang ang ibang kadramahan at kabaklaang hatid ng lola niu. Hahaha. Bakit kaya ngayon lang ako nakapagpost ng ganito? Hindi naman ako inspired? Zero naman ang lovelife ko... Sabi pa nga ni Ecel, I really dunno. Ako din, I really dunno. Siguro gutom lang to kasi di pa ako nag breakfast. Ang tanong din, pano naman ako makakalabas ng bahay at kumain, eh walang tila ang ulan. Ang sama sama pa ng panahon. Bagyo ba Kuya Kim?
Ending.
Mood: Naiinis dahil sa gutom?! Nababalisa dahil pinapatawag kami ng adviser namin sa thesis kasi di pa matapos-tapos ang study namin?! Kinakabahan dahil may exams kami bukas?!
I really dunno!









